By

Bangkay natagpuan sa Delpan Bridge

Sharing is caring!

Isang bangkay ng lalaki ang natagpuan sa gilid ng Delpan Bridge sa Binondo, Maynila noong Sabado ng hapon.

Batay sa ulat ni Brgy. 275 Chairman Willie Masakayan sa Meisic Police Station 11 ng Manila Police District, nakita bangkay ng hindi pa nakikilalang lalaki pasado alas 4:30 ng hapon ng Sabado.

Nakasuot ito ng kulay berde na sweat shirt at itim na long pants at nasa pagitan ng edad 50 hanggang 60 anyos.

Batay naman sa salaysay ng pedicab driver na si Augusto Capuslana, kay SPO1 Sol Alegria, huli niyang nakitang buhay ang lalaki pasado alas 4:00 ng hapon ng Sabado.

Wala namang sugat o pinsala sa katawan ng lalaki na pinaniniwalaang natural ang dahilan ng pagkasawi. (Rick Villanueva)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?