221
Bangkay nakita sa Gapo falls, bungo lumitaw na
By

Bangkay nakita sa Gapo falls, bungo lumitaw na

OLONGAPO CITY – Isang naaagnas na bangkay ng lalake na pinaniniwalaang biktima ng summary execution ang natagpuan malapit sa isang talon sa Barangay Gordon Heights, Huwebes ng umaga, sa lungsod na ito.

Sa impormasyong nakuha kay Gordon Heights Barangay Chairman Priscilla “Kap Echie” Ponge, ang biktima ay tinatayang may taas na limang talampakan, nasa edad 40 taong gulang pataas, may suot na puting damit at pantalon na itim at naka-jacket ng kulay asul.

Kasama ang rescue team at barangay tanod, nagtungo si Ponge sa itinurong lugar sa Block 7, Upper Sander, Duhat St. Purok 6 ng Barangay Gordon Heights, kung saan natagpuan ang naaagnas na bangkay, labas na ang bungo at may nakataling alambre sa gawing panga nito.

Inaalam pa ng pulisya ang pagkakakilanlan sa biktima, gayun din ang posibleng pagtukoy sa motibo at salarin sa pagpatay. (Randy V. Datu)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?