139
dead
By

Bangkay nakita sa buhanginan ng Boracay

Sharing is caring!

Ilang linggo matapos buksan sa publiko ang isla ng Boracay matapos ang rehabilitation, nakita ang isang bangkay sa dalampasigan ng lugar.

Sa Sitio Angol, Manoc-Manoc ng isla natagpuan ang nasabing bangkay ng lalaki, na nakahandusay sa dalampasigan ng Boracay.

Ayon sa report ng Radyo Todo Aklan 88.5 FM, naispatan ang bangkay ni Sabas Nanas bandang alas-5:20 ng umaga, at kinalala ang nasawi na empleyado ng Turtle Inn Resort sa isla.

Housekeeping staff umano ito sa resort, at tinatantsang nasa edad 20-30, mula Nueva Ecija.

Namataan umano ng isang guwardiya ang bangkay kasama ang dalawang lalaki noong madaling-araw kung kailan ginanap ang insidente, na tila lasing aniya ang isa dahil sa hindi maayos na paglalakad nito.

Ginagawa pa ng mga awtoridad ang imbestigasyon upang matukoy ang nangyari sa pagkasawi ng nasabing lalaki.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?