42

Jun 14, 2021 @ 10:34
By

Bangkay naispatan sa nagliyab na barko sa Delpan Bridge

Isang bangkay ang lumutang sa lugar kung saan nangyari ang sunog sa isang oil tanker sa Delpan Bridge, Tondo, Manila noong Sabado.

Namataan ang katawan ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) malapit sa barkong M/V TItan 8, ang nagliyab na barko habang nagpapagasolina sa Delpan Bridge.

Ayon kay PCG spokesperson Commodore Armand Balilo, inaalam pa kung ang naturang bangkay kasama sa nawawala sa nangyaring sunog.

“PCG personnel reported sightings of cadaver found in the vicinity of the vessel. Still confirming kung ito yung nawawala,” ayon kay Balilo.

“Our team is now coordinating with SOCO (Scene of the Crime Operations) to help establish the identity of the cadaver. Medyo sunog na yung bangkay,” aniya pa.

Unang napaulat na anim ang nasugatan at dalawa ang nawawala nang masunog ang M/V Titan 8.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?