13

Jul 22, 2021 @ 13:58
By

Bangkay na COVID positive sa Myanmar, mahirap iuwi sa ‘Pinas

Nahihirapan ang embahada ng Pilipinas sa Myanmar na maiuwi sa bansa ang labi ng isang Pilipinong namatay sa COVID-19.

Sa Laging Handa press briefing, sinabi ni Philippine Ambassador to Myanmar Eduardo Kapunan Jr. na hindi pinapayagan ng military-controlled government na mailabas ng bansa ang labi ng mga nasawi sa COVID-19 kaya ito ngayon ang problema ng embahada.

“Mahigpit ang gobyerno dito. Kahit abo or katawan ng namatay ay hindi pinapayagang mailabas kaya ito ngayon ang problema,” ani Ambassador Kapunan.

Pero umaasa ang embahada na magluluwag din ng patakataran ng gobyerno ng Myanmar sa mga  dayuhang naging biktima ng COVID-19.

Sa ngayon ani Ambassador Kapunan ay mataas ang kaso ng COVID-19 sa Myanmar at kulang ang mga pasilidad sa mga hospital para tugunan ang problema sa pag-atake ng mabagsik na virus. 

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?