20

Nov 25, 2021 @ 16:34
By

Bangkay lumutang sa estero sa Tondo

Isang bangkay ang natagpuang palutang-lutang sa isang estero sa Tondo nitong Miyerkoles.

Natagpuan ng isang saksi ang katawan na lumulutang sa Estero De Vitas rivulet sa kahabaan ng C2 Capulong road sa Barangay 93, bandang alas-7:30 ng gabi.

Kinilala ang biktima na isa ring residente ng Barangay 93 na si Joel Alanzalon Martinez, 34.

Huling nakitang buhay si Martinez nitong Nobyembre 21 ng gabi, matapos itong ipatawag sa barangay para sampahan ng kasong domestic abuse.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang awtoridad tungkol sa nasabing insidente.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: ,