304

Jun 29, 2020 @ 10:21
By

Bangkang Pinoy tumaob dahil sa Chinese vessel, JV napamura

“Hayup.”

Ito lang ang nasambit ni dating Senador JV Ejercito matapos makita ang larawan ng nakataob na fishing vessel sa Occidental Mindoro.

Nabangga ng cargo ship na MV Vienna Wood, na rehistrado sa isang SAR ng China na Hong Kong, ang F/V Liberty Singko at iniwan itong nakalutang bandang ala-una ng madaling-araw noong Linggo, Hunyo 28, ayon kay Irma Fishing and Trading general manager Fermin Soto sa DZRH.

Itutuloy ngayon ng PCG ang paghahanap sa 12 crew at 2 kawani na nawawala matapos ang banggaan.

https://twitter.com/jvejercito/sta

tus/1277397408255598592?s=20

Matatandaang Hunyo 9 naman ng nakaraang taon, sinapul ng Chinese fishing vessel Yuemaobinyu 42212 ang Pinoy fishing boat na Gem-Ver habang nakaduong ito sa Recto Bank malapit sa Palawan.

Iniwan ng Chinese vessel na nakalutang sa dagat ang 22 crew ng bangka, na kinalauna’y sinagip ng isang Vietnamese fishing boat.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?