693

Jun 24, 2019 @ 15:42
By

Bangka ng mangingisdang Pinoy, ‘di pinalubog ng Chinese vessel – Sotto

Naniniwala si Senador Tito Sotto na hindi pinalubog ng Chinese vessel ang fishing boat ng 22 mangingisdang Pinoy.

Ibinahagi ni Sotto ang eksplenasyon ng isang eksperto sa Coast Guard ukol sa nangyari sa Recto bank nang mabangga ang bangka ng mga Pinoy ng mga Chinese.

Ayon umano sa eksperto, hindi mapapatunayan kung sinadya ang pambabangga ng Chinese vessel.

“There is no way we can verify whether the mast light was lighted or not. This is a small fishing boat and normally they don’t display it especially in areas where there is no maritime traffic,” ayon kay Sotto sa pahayag ng eksperto/

“The FB (fishing boat) was hit slightly on the astern (rear part) and intentional ramming would be thru the side. Also, it was the boom of the Chinese boat that hit the mast of the Filipino FB which could mean that the Chinese only saw the FB when it was near and tried to do a hard left or hard right with its engines on full astern thus the damage is minimal,” aniya pa.

Saad ni Sotto, naniniwala siyang walang paglubog ng bangka ng mga Pinoy.

“Yes. It was not sunk,” giit ng Senate President.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?