38

Nov 25, 2021 @ 17:47
By

Bangka nagliyab sa Navotas Fish Port

Nilamon ng apoy ang isang bangka nitong Nobyembre 25 ng hapon sa Navotas Fish Port Complex, Pier 3 sa Navotas City.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP) Public Information Office, umabot sa unang alarm ang sunog bandang ala-1:32 ng hapon at idineklarang under control bandang alas-2:06 ng hapon.

Tuluyan namang naapula ang apoy bandang alas-2:16 ng hapon.

Wala namang naiulat na nasaktan sa nasabing insidente.

Inaalam pa ng awtoridad ang sanhi ng sunog. (Sherrylou Nemis)

‘Best of Sportalakan’ Sabong edition

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?