160

By

Bangka na tinatayang sakay ang 40 katao, lumubog sa Quezon

Sharing is caring!

Isang bangka ang lumubog habang papunta sa Sombrero Island sa Masbate nitong Sabado ng umaga.

Sa ulat ng dzMM, nanggaling umano ang bangka sa San Andres, Quezon, at nag-iisland hopping umano ang mga sakay nito ng bigla itong lumubog.

Nagpapunta na ang Philippine Coast Guard ng rescue team para saklolohan ang mga pasahero, ngunit ‘di pa alam kung ligtas na ang mga ito.

Ayon sa isang kamag-anak ng mga pasahero, tinatayang 40 katao ang laman ng nasabing lumubog na bangka, natawagan pa ang pinsan nitong nakasakay dito ngunit ‘di makontak sa ngayon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?