204

Jan 2, 2018 @ 18:17
By

Bangka na sinasakyan ni Richard lumubog

Nakabalik na kahapon ng Maynila mula sa Christmas holiday vacation nila sa Malapascua ang mag-fiancé na Richard Gutierrez at Sarah Lahbati kasama ang anak nilang si Zion. Hindi lang bakasyon ang ipinunta nila roon kundi isinabay na rin nila ang pagcha-charity sa mga bata sa lugar na ‘yon.

Si Zion, tuwang-tuwa sa pamimigay sa mga bata roon ng mga bag na may sari-saring laman. Sabi ni Richard, habang bata pa lang si Zion ay tinuturuan na nila ito na mag-share sa kapwa na hindi nag-e-expect ng kapalit.

After nga pala ng New Year’s eve celebration nila sa lugar na ‘yon, medyo na-sad lang si Richard, pati ang tatay ni Sarah na kasama nila sa trip na ‘yon dahil ‘yung diving boat na ginagamit nila ay lumubog ang ibang parte, mabuti na lang at na-save nila ang ibang diving gears.

Balik-taping na nga pala si Richard for La Luna Sangre ng ABS-CBN samantalang si Sarah ay abala na sa paghahanda para sa baby shower event nila sa Sunday.

Kahit may event organizer sila, tinututukan pa rin ni Sarah ang bawat detalye tungkol doon at siya na rin mismo ang nagpapadala ng reminder para sa mga imbitado nila sa baby shower na ‘yon.

Malamang nga pala na in less than 3 months ay manganak na si Sarah sa second baby boy nila ni Richard. (Jun Lalin)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?