140

Jun 26, 2022 @ 18:56
By

Bangka na may sakay na higit 100 pasahero nasunog sa Bohol

Nagkasa na ng search and rescue operations sa karagatan sa paligid ng Barangay Tugas at Barangay Tilmobo sa Bohol matapos masunog ang isang bangka na may sakay na mahigit 100 pasahero.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), nasunog at lumubog ang bangkang may pangalang MBCA Mama Mary Chloe habang naglalayag mula Ubay, Bohol patungong Bato, Leyte ala-una ng hapon nitong Linggo, June 26.

Walong crew at 157 pasahero ang sakay ng bangka, kabilang ang 15 bata.

Sa update ng PCG, isa ang naiulat na nasawi sa insidente, na iniimbestigahan pa ang sanhi.

99 survivor ang dinala sa Port of Hilongo, Leyte habang 17 survivor ang dinala sa munisipalidad ng Pitogo.

Bineberipika ng PCG team ang iba pang indibiduwal na nailigtas at dinala sa ibang mga isla/lugar.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?