306
bangka
Jun 30, 2019 @ 17:48
By

Bangka lumubog sa dagat, 2 Australian national, 3 Pinoy pinaghahanap

Patuloy na pinaghahanap ang 5 katao na kinabibilangan ng 3 Pinoy at 2 Australian national matapos na lumubog ang bangkang de motor na kanilang sinasakyan nitong umaga sa karagatang sakop ng pagitan ng bayan ng Hinunangan sa Southern Leyte at Loreto, Surigao Del Sur.

Kinilala ang mga nawawalang biktima na sina Grahame David Hastings, 60; at Donald o Don Cox, 60, pawang Australian national; at talong pinoy na sina Jar-ar Aradaza, 19; Serecio Adanza, 40; at Michael Samatina, 33-anyos.

Sa inisyal na ulat ng Hinunangan Municipal Police Station (MPS) sa Southern Leyte, galing ng Barangay Tahusan sa bayan ng Hinunangan ang mga biktima at gamit ang isang bangkang de motor ay nangisda ito sa karagatan.

Pasado alas 10:00 ng umaga ng bigla umanong lumaki ang alon sa dagat dahilan upang paghahamapsin sila nito hanggang sa lumubog ang kanilang bangka.

Napagalaman na isa sa mga pasahero ay nakuha pang makahing ng tulong kaya agad na nagsagawa ng rescue operation upang masagip ang mga biktima subalit dakong alas 2:42 ng hapon ng mawala nan g contact ang gma rescuers sa mga biktima.

Base sa ulat ng pulisya, si Hatings ay residente ng Barangay Tahusan, Hinunangan at nagmamay-ari ng isang resort habang si Cox ay bisita naman nito.

Samantala ang mga pinoy na kasama nila ay pawang residente ng Barangay Tausan sa nabatid ding bayan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?