88

By

Bangis nina Fajardo, Cabagnot nagbalik, SMB panalo kontra Blackwater

Nakabalikwas mula sa dalawang sunod na pagkatalo ang San Miguel sa paglasing sa Blackwater 93-79 sa PBA Philippine Cup sa Mall of Asia Arena, Miyerkoles ng gabi.

Akyat sa fourth spot ang Beermen kasalo ang TNT sa 3-3 record habang bagsak sa 1-4 ang Elite.

Nagsanib sa SMB sina June Mar Fajardo at Alex Cabagnot para ihatid ang panalo sa San Miguel.

Tumapos na may 20 points, 21 rebounds, five assists at four blocks si “The Kraken” habang trumabaho si “The Crunchman” ng 19 points at five assists.

Masaya umano si coach Leo Austria sa effort na ipinakita ng kanyang players sa laban kontra Elite.

Maliban kina Fajardo at Cabagnot, nagsahog din ng 17 points, five boards at four assists si Terrence Romeo, hindi rin nagpahuli si Chris Ross na tumapos ng 14 points, seven rebounds, two assists at two steals.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?