kobe-paras
By

Bangis ni Paras, panis sa Bulldogs

Sharing is caring!

Nanumbalik ang porma ng tinaguriang basketball prodigy na si Kobe Paras nang pangunahan ang opensiba ng Gilas Cadets ngunit hindi ito naging sapat nang sakmalin ng NU Bulldogs ang Gilas, 86-81, sa Filoil Flying V Preseason Cup sa FilOil Flying V Centre-San Juan Martes ng gabi.

Nagbuslo ang nakababatang Paras ng 20 puntos ngunit hindi umubra kontra sa mga bagitong manlalaro ng NU na sina John Lloyd Clemente at John Galinato na kumamada ng 23 at 20, ayon sa pagkakasunod.

Nakaungos pa ang Gilas sa huling canto nang mag-init ang kamay ni Paras na nag-ambag ng 9 puntos sa 11-0 spark ng Cadets para sa 77-72 bentahe.

Ngunit biglang nag-iba ang ihip ng hangin nang sumagot ang NU ng 11 na magkakadikit na puntos, 83-77, 19 segundo na lang.

Nagdagdag ng 16 puntos para sa Gilas Cadets ang Fil-Am center na si Abu Tratter at 13 puntos naman para kay UP guard Juan Gomez de Liaño. Trumabaho naman ang anak ng PBA legend Danny Ildefenso na si Shaun ng 13 puntos para sa NU.

Dahil sa pagkatalo, nalaglag sa 1-5 kartada ang Cadets ni coach Josh Reyes at wala nang pag-asa para sa susunod na yugto ng torneo kahit na may tatlong laban pang nakahilera sa kanilang iskedyul.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?