90
Bangis ni Nierva, Bulldogs matitikman ng Lady Eagles
By

Bangis ni Nierva, Bulldogs matitikman ng Lady Eagles

Standings W L

Ateneo 5 1

DLSU 4 2

FEU 4 2

UST 4 2

UP 3 3

NU 2 4

Adamson 1 5

UE 1 5

Mga Laro Sabado/Marso 16:

(FilOil Flying V Centre)

2:00pm- Ateneo vs National U

4:00pm- DLSU vs FEU

Masusubukang muli ang bangis ng National University (NU) Lady Bulldogs laban sa nangungunang Ateneo de Manila University (ADMU) Lady Eagles sa pagtatapos ng first round elimanations ng UAAP Season 81 women’s volleyball tournament alas-dos ng hapon ng Sabado.

Matindi ang hinarap ng Lady Bulldogs noong Marso 13 para masungkit ang kanilang pangalawang panalo sa torneo.

Sinakmal ng mga taga-Sampaloc ang UP Lady Maroons 25-17, 14-25, 17-25, 25-23, 17-15 at tinanghal si rookie libero Jennifer Nierva bilang Player of the Game noong laban na iyon.

“Ganun ang result kasi ginusto naming manalo. Pinagtrabahuhan namin every point. Alam naming mahirap pero gagawin namin for the people beside us,” giit ni Nierva, na nagtala ng 29 excellent receptions at 26 digs.

“Ako no doubt ako sa mga teammate ko kasi nakikita ko talaga na nagtrabaho kami sa training and I know na lalabas yun sa game.”

Samantala, tuloy-tuloy pa rin ang pananalasa ng Ateneo para manguna sa standings ng torneo.

Wagi ang Lady Eagles sa paghaharap nila ng Adamson Lady Falcons noong Miyerkoles 25-8, 22-25, 25-16, 25-10.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?