9

By

Bangis ni Muyang pinalabas ni Napa

Sharing is caring!

Instrumental si Larry Muyang sa pagsikwat ng Colegio de San Juan de Letran ng puwesto sa Final Four sa NCAA 94.

Para kay Letran coach Jeff Napa, napakalaking bagay ang pagdating ni Muyang sa kanilang bakuran.

“Malaking bagay si Larry (Muyang) pero malaking bagay ‘yung ginagawa ng mga teammate niya. Hindi naman magiging Larry Muyang ulit kundi dahil sa mga teammate niya,” sabi ni Napa.

“Kasi noong kinuha ko siya sa isang eskwelahan, down na down, walang kumpiyansa. Hindi lang siya umabot last year pero okay na rin at least napaghandaan niya ngayong season.”

Ang 6-foot-6 center na tubong Lubao, Pampanga ay naglaro ng isang taon sa UAAP sa ilalim ng De La Salle University Green Archers at ngayon ay isa sa mga nangunguna sa Letran.

“Siguro sa akin naging daan si coach Jeff para nga dito sa season na ito. Kung hindi dahil sa kumpiyansa ni coach Jeff hindi ko rin magaganito ang laro ko, lalong-lalo na sa mga teammate ko,” wika ni Muyang.

Sa 16 na laro ni Muyang sa liga ay pumoposte na ito ng 12.5 points at 8.8 rebounds per game kaakibat ang 64.4 percent sa field goal.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?