17

Nov 17, 2020 @ 16:48
By

Bangis ng bagyo tumitindi sa coal power plant

Nanawagan ang Power for People Coalition (P4P) at ilan pang sustainable energy advocate sa Department of Energy (DOE) na gamitin na ang coal moratorium para mapatigil na ang operasyon ng mga coal-fired power plant sa bansa para maiwasan ang lalong pagtindi ng lakas ng bagyo.

“Coal fuels disasters. It’s plain and simple. So long as we burn coal, its greenhouse gas emissions will continue to heat the Earth and produce typhoons like Rolly and Ulysses, only much stronger and more
frequently. It’s already too late to reverse the current trend of typhoons, but it’s not too late to stop the trend from becoming worse,” ayon kay P4P convenor Gerry Arances.

Saad pa sa pahayag ng grupo, ang pagiging ‘technologically neutral’ ng DOE ay nagiging dahilan kung bakit dumadami ang mga coal power plant sa bansa, kahit saad ng grupo na nakakasira na ito sa kalikasan.

Ayon naman sa national coordinator ng Philippine Movement for Climate Justice na si Ian Rivera, “The coal moratorium is DOE’s way of covering its tracks of failures, bad planning, and its role in causing the reprehensible electricity rate of the country – which today is one of the most expensive in Asia. DOE finally succumbs to the truth of market signals, the global trends of waning financial viability of coal, the strong drive of renewables, and the stranding of coal plants in Mindanao with an excess in baseload in the island which DOE already needs to transport to Visayas and Luzon.”

Anila, sa ngayon ay may 9.88 gigawatts coal ang nakalapat sa bansa, at kapag nagpatuloy ang mga proyekto ay tataas pa ito sa 140 percent.

“Dahil sa mga planta ng coal dito sa atin, nasira ang kalikasan na siyang nagbibigay ng hanap-buhay, nagkakasakit ang lahat dahil sa humihinang mga baga, at ngayon, nagdadala pa sila ng sakuna. . Matibay ang mga Pilipino, pero di ito dahilan para lasunin kami,” lahad naman ni Fr. Warren Puno, community advocate at Director of the Ministry of Ecology sa Diocese ng Lucena.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?