29
aksidente1
By

Banggaan ng motorsiklo, trike: 1 patay

Sharing is caring!

Namatay habang ginagamot sa ospital ang isang lalaki matapos magtamo ng malalang sugat sa katawan nang mabangga ang kanyang sinasakyang motorsiklo sa Brgy. Munlawin, Alitagtag, Batangas.

kaninang umaga.

Kinilala ang biktima na si Cesar Hernandez.

Ayon kay CALABARZON Regional Director Police Chief Supt. Guillermo Eleazar, alas-8:30 ng umaga nang mangyari ang aksidente.

Aniya, sa sakay ng motorsiklo ang biktima patungo sa direksiyon ng Pinagkurusan nang makabanggaan nito ang isang Honda Supremo tricycle na minamaneho ng isang Reynaldo Tubo.

Sa banggaan tumilapon ang biktima sa gilid ng kalsada dahilan para magtamo siya ng malalang sugat.

Agad itong isinugod sa Martin Marasigan Hospital Cuenca sa Batangas pero namatay din.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?