138

By

Banggaan ng 3 sasakyan sa EDSA-Magallanes; ilang pasahero sugatan

Nasa 20 katao ang dinala sa ospital matapos mawalan ng kontrol ang isang pampasaherong bus sa EDSA-Magallanes sa Makati City ngayong umaga.

Sa inisyal na imbestigasyon, nawalan ng kontrol ang driver ng Joyselle Express bus kaya sinalpok nito ang isa pang bus na pag-aari ng VTSC.

Matapos nito ay sunod na sinalpok ng Joyselle Bus ang isang kotse at dire-diretsong rumagasa hanggang sa tamaan din nito ang bakal na railing ng waiting shed at kongkretong firewall fence ng San Lorenzo Village.

Na-impound na umano sa Makati Traffic Bureau compound ang mga bus habang patuloy ang isinasagawang imbestigasyon sa insidente.

Samantala, nagdulot naman ng mabigat na daloy ng trapiko sa EDSA southbound ang banggaan ng nabanggit na tatlong sasakyan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?