13
Mister na depress, nang-hostage ng bata
Sep 26, 2020 @ 21:23
By

Bangag na seaman hinostage ang matandang nanay

Isang seafarer na umano’y lango sa iligal na droga ang naaresto matapos i-hostage ang kanyang ina sa loob ng kanilang bahay sa Barangay 4, Victorias City, Negros Occidental, Biyernes ng gabi.

Kinilala ang suspek na si Andrew Grecia, 39.

Ayon sa ulat, nagresponde ang mga miyembro ng Victorias City Police sa bahay nina Grecia nang makarinig sila ng tatlong putok ng baril bandang alas-7 ng gabi.

Tatlong beses umanong pinaputok ng suspek ang kanyang sniper rifle at saka hinostage ang 73-anyos niyang ina.

Ilang araw na raw kasing hindi natutulog ang lalaki matapos magkaproblema sa nobya.

Inabot ng isang oras bago nakatiyempong makalabas ng bahay ang ina ng suspek, na masuwerteng hindi nagalusan.

Pitong oras naman tumagal ang negosasyon ng mga pulis sa suspek para makalma ito. Lumabas na ng bahay si Grecia matapos makausap ang ex-girlfriend sa telepono.

Narekober kay Grecia ang isang sachet ng shabu, Remington sniper rifle at ilang bala.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang suspek at nahaharap sa mga kasong alarm and scandal, illegal possession of firearm and ammunition, at illegal possession of dangerous drugs.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?