45
Banchero kuwestiyonable vs NorthPort
By

Banchero kuwestiyonable vs NorthPort

Kuwestiyonable pa hanggang Martes kung makakalaro si Chris Banchero sa Alaska kontra NorthPort Batang Pier sa first game ng double-header sa Miyerkoles sa Ynares Center sa Antipolo.

Hahabulin ng Aces ang follow-up sa 111-98 win laban sa Columbian Dyip sa opening day ng PBA Commissioner’s Cup nitong Linggo.

Sa larong ‘yun, bumalik ang pananakit ng dati nang injured calf ni Banchero. Nakapagsumite pa rin ang 30-anyos na Fil-Italian ng 20 points, 14 dito sa second half, mula sa 8 of 12 field goal shooting.

Tumagal si Banchero ng 19 minutes sa loob, instrumento nang kumalas ang Aces sa third quarter.

“One of the reasons I’m kicking myself is for playing Chris for such a long stretch,” bulalas ni Aces coach Alex Compton sa postgame news conference sa MOA Arena. “I’m hoping when I walk into that room, ‘Ay, namumulikat lang siya.’ Sana, sana. We just have to wait and see.”

Sakaling ‘di makalaro si Banchero, sina Jayvee Casio, Ping Exciminiano, Simon Enciso at Jasper Ayaay muna ang mamando sa backcourt ng Alaska laban kay Stanley Pringle, dagdag sina Sean Anthony at Mo Tautuaa sa Batang Pier.

“My calf has been bugging me a little bit, but it felt good going into the (Dyip) game,” anang 6-foot-1 guard. “I was playing well so it’s kinda tough to take me out at that time. It’s a little bit tight …”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?