277

Oct 19, 2017 @ 16:41

Banayad na operasyon ng pantalan, tiniyak ngayong Kapaskuhan

Ngayong nagsimula na ang pagdagsa ng mga kargamento dahil sa nalalapit na Kapaskuhan, tiniyak ng Philippine Ports Authority (PPA) na hindi magiging masikip ang mga pantalan sa Maynila na karaniwang bagsakan ng mga angkat na kargamento.

Ang PPA ang nangangasiwa sa operasyon ng mga public ports sa bansa maliban na lamang sa Port of Cebu na nasa ilalim ng Cebu Ports Authority.

Ayon sa PPA, sapat pa ang espasyo sa Manila International Container Terminal (MICT), Manila South Harbor (MSH) at Manila North Port (MNP) para sa mga padating na kargamento.

Tiniyak mismo ni PPA General Manager Jay Daniel Santiago, na nananatiling banayad ang operasyon sa tatlong pantalan, at hindi nila nakikita ang posibilidad na magkaroon ng pagbabagal sa pagproseso ng mga kargamento sa pagpasok ng Kapaskuhan.

“As of the moment, the combined yard utilization at the two international Manila ports MICT and MSH is at 60.12% or about 20% below the optimum level of 80%,” saad ni Santiago.

Kasabay nito, ipinagmalaki pa niya na tumaas ng 10% ang productivity ng tatlong terminal sa pagtatapos ng buwan ng Setyembre na nangangahulugan na fully-functional ang mga pantalan sa Maynila. (Maricel Diaz)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?