ABANTE roque palasyo ovp vice president control
By

Banat sa pagbisita ni Duterte sa PH Rise, sinalag ng Palasyo

Sharing is caring!

Hindi dapat gawing literal ang naging aksiyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na pagbisita sa Philippine Rise.

Inihayag ito ni Presidential Spokesman Harry Roque matapos umani ng kantiyaw at batikos sa oposisyon ang Pangulo dahil hindi hanggang Casiguran Bay lang naman ang barko at hindi mismong nakatuntong sa Philippine Rise.

Ayon kay Roque, simboliko lang ang ginawa ng Pangulo dahil ang Philippine Rise ay hindi maaaring mapuntahan ng kahit sino.

“Hindi ko maintindihan na you took it literally. Unang- una you cannot take it literally because the Philippine Rise is not accessible to anyone because the Philippine Rise as you know, the continental shelf is the soil and sub- soil under the sea,” ani Roque.

Para aniya makapunta mismo sa lugar ay kinakailangan ang submarine pero hindi ito matuntungan.

“So if you want to go there you need a submarine. So if you want to be literal about it, no one can reach it. You can only sail above it,” dagdag pa ni Roque.

Binigyang-diin ng kalihim na simboliko lang ang ginawa ng Pangulo kasabay ng send-off ng mga filipino scientists na gagawa ng mga pag-aaral at paglalagay ng goya sa lugar para ipakitang pag-aari ito ng Pilipinas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?