101

Dec 21, 2017 @ 16:31
By

Banat ni Joma Sison sa ceasefire, dinedma ng Palasyo

Ayaw nang patulan ng Malacañang ang pag-iingay ni Communist Party of the Philippines (CPP) founding Chairman Jose Maria Sison kaugnay sa idineklarang tigil-putukan ng gobyerno ngayong holiday season.

Kasunod ito ng pahayag ni Sison na isang pagkukunwari lamang ito ng gobyerno.

Sinabi kahapon ni Presidential Spokesman Harry Roque na wala siyang magagawa kung iyon ang paniniwala ni Sison dahil wala naman ito sa Pilipinas at hindi nakikita o nalalaman ang tunay na nangyayari sa bansa.

Bahala na aniya ang taumbayan na humusga kung may batayan ang pahayag ni Sison dahil ang hangad lang ng gobyerno ay maayos at mapayapang maipagdiwang ang Pasko at Bagong Taon.

“The President doesn’t have to explain. In fact, Joma Sison is calling it a sham. We should be thankful that the President is pushing through with the unilateral ceasefire altogether. He could have ignored it completely ‘no and not declared anything.

“But I felt that it was a right decision because finally, I personally felt it’s Christmas with the announcement. If Joma Sison did not feel any spirit of Christmas because of the [SOMO]. Well, I feel sorry for him. SOMO… I feel sorry for him then. That’s what happens when you’re not here in the Philippines anyway,” ang pahayag ni Roque.

Kasabay nito nagpaliwanag si Roque kung bakit iba ang petsa ng unang inihayag na ceasefire ng Malacañang sa opisyal na inihayag ng Department of National Defense.

Sinabi ng kalihim na prerogative ni Pangulong Duterte na magbago ng desisyon dahil bahagi ito ng kanyang executive power.

“Well, the President asked me to announce it on our Cabinet Christmas party. But it is always the President’s prerogative to change his decision. That’s part of executive power,” dagdag pa ni Roque. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?