jackson
By

Banat ni Jackson kay LeBron: Duwag, makasarili!

Sharing is caring!

Paubos na ang init ng debate at kantiyawan sa NBA Finals, pero parang ngayong lang nagsisimula si Stephen Jackson.

Naglaro dati sa Golden State si Jackson at naging kampeon sa San Antonio Spurs noong 2002-03.

Sa Fox Sports nitong Miyerkoles, tinarayan ni Jackson si LeBron James, ang pagsuko nito sa Finals at pagtuturo sa mga dahilan kaya nawalis ang Cleveland Cavaliers.

Inumpisahan ni Jackson ang litanya sa sinabi ni James na injured ang kanang kamay dahil sinuntok ang white board pagkatapos matalo sa Game 1 via overtime.

“The series is over,” ani Jackson. “There’s nothing you can do about it. You can’t go back and start over ‘cause your hand hurts. It wasn’t a good decision by the guy you expect to carry your team. For him to do that, that was selfish.”

Makasarili daw si LeBron, hindi na lumaban pagkatapos ng Game 1 loss.

“I think his heart was questioned,” dagdag ni Jackson, 40. “I don’t know if he punched his heart against the white board. Because at times it looked like his heart was hurting. He wasn’t competing, wasn’t giving the same energy we see from LeBron.”

Kung injured ang kamay, huwag na raw gawing dahilan kaya nawalis. Bumitaw daw si James sa teammates.

“He quit. He knew he was playing against a better team,” dagdag ng round 2, 42nd overall pick ng Phoenix Suns noong 1997. “After Game 1, he knew he was beat. Point blank, bruh. It had nothing to do with his hand.”

At ang huling payo ni Jackson: “They got swept. 4-0. Take it like a man. Go home, bruh.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?