44
ABANTE dick gordon dengvaxia transparent
By

Banat ni Duterte sa Simbahan, totoo – Gordon

Sharing is caring!

Kinampihan ni Senador Richard Gordon si Pangulong Rodrigo Duterte na umuupak sa mga pari at obispo ng Simbahang Katoliko.

Ayon kay Gordon, totoo naman ang kritisismo ng Pangulo ukol sa ilang lider ng simbahan na gumagawa ng kahalayan at katiwalian.

Idiniin na walang kaibahan ang mga sinasabi ngayon ng Pangulo laban sa Simbahan sa mga kritisismo noon ni Jose Rizal laban sa mga tinatawag na prayle.

Sa isang talumpati, ipinanawagan ng Pangulo na patayin ang pari na sinabi niyang “useless.”

“I don’t agree with the President when he does that. To me there has to be some civility. On the other hand, ano ang diperensya ng sinasabi ng Presidente dun sa sinasabi ni Rizal sa El Filibusterismo?” sabi ni Gordon.

Nakatitiyak naman si Gordon na sa salita lang bumabanat ang Pangulo at hindi nito gugustuhin na aktuwal na masaktan ang mga obispo at pari.

“Sanay na ako sa Presidente. I don’t think the President means that. Hyperbole lang ‘yan. Hyperbolic talaga siya, as Sal Panelo would say. ‘Yun eh style probinsya, mga mayor nagmumura. Hindi dapat pero nangyayari,” pahayag pa ni Gordon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?