74

By

Banat ni Duterte sa Simbahan, ipinagtanggol nina Pacquiao, Enrile

Sharing is caring!

May karapatan umano si Pangulong Rodrigo Duterte na magbigay ng kanyang opinyon laban sa Simbahan lalo na’t maaaring ang naging karanasan nito noong kabataan ang pinanggalingan nito.

Ito ang pananaw nina Senador Manny Pacquiao at dating senador Juan Ponce Enrile sa muling pagtirada ng Pangulo sa Simbahan.

“Mahirap magbigay ng comment like I said may karapatan siya kasi may experience siya nung bata pa siya. Hindi tayo nakakaalam kung ano experience niya nung bata siya,” ani Pacquiao sa panayam sa dwiz.

Sa panig naman ni Enrile, sinabi nitong may kanya-kanyang opinyon ang bawat isa at iba-iba ang paniniwala sa Panginoon kaya hayaan na lang umano ang Presidente.

Kinuwestiyon din ni Enrile ang Simbahan sa pagsasabing hanggang ngayon ay magulo ang lipunan sa kabila na tuwing Linggo ay nagdarasal ang mga tao.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?