950
Abante-TnT-rodrigo-duterte-gary-alejano
By

Banat ni Duterte sa COA, binara ni Alejano

Sharing is caring!

Binuweltahan ni Magdalo partylist Rep. Gary Alejano si Pangulong Rodrigo Duterte sa pahayag nito na dapat suwayin ang Commission on Audit (COA) pagdating sa procurement policy para sa mga proyekto ng gobyerno.

Sabi ni Alejano, ang panawagan ng pangulo para huwag sundin ang COA circulars ay malaking ‘irony’ sa ibinabandera nitong kampanya laban sa katiwalian. Kaya naman duda ang kongresista kung galit ba talaga si Duterte sa mga korap o gusto niya pang protektahan ang mga ito.

Idinepensa naman ni Alejano ang COA sa pagsasabing napakahalagang ahensiya nito sa paglaban sa katiwalian kaya epektibo itong pang-check and balance sa gobyerno.

Mas dapat pa nga anya itong suportahan at iutos ang mahigpit na pagsunod sa panuntunan ng komisyon.

Katuwiran ng mambabatas, lahat naman ay gustong mapabilis ang proseso sa gobyerno pero mali na balewalain ang mga proseso para maisakatuparan ito.

“COA is a vital agency in fighting corrupt practices in government. Nasaan na ang check and balance sa gobyerno kung pati Commission on Audit ay nais isantabi ng pangulo? Imbes na sabihing balewalain ang COA, dapat sana ang naririnig natin sa Pangulo ay pagbutihin pa ng ahensya ang pagtupad sa mandato nito para mapanagot ang mga korap sa gobyerno,” diin ni Alejano.

“Nais nating mapabilis ang paghahatid ng serbisyo sa taumbayan, ngunit hindi dapat kalimutan ng Pangulo na may mga batas at proseso tayong sinusunod para maiwasan ang gulo at pagsasamantala sa gobyerno. Duterte should stop condoning corrupt practices most especially from a family which has a long record of stealing from the nation’s coffers,” dagdag ng kongresista.

Sa inter-agency briefing kaugnay ng bagyong Ompong sa Laoag, Ilocos Norte, sinabi ni Pang. Duterte na huwag pansinin ang COA circulars makaraang sabihin ni Gov. Imee Marcos na hindi pinapayagan ng komisyon ang cash advances para sa pagbili ng materyales para sa mga biktima ng kalamidad.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?