30

Oct 2, 2017 @ 15:03

Banat ni Duterte kay Sereno, hindi pang-publicity lang – Palasyo

May alas si Pangulong Rodrigo Duterte laban sa mga bintang nito kay Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno at hindi pang- trial by publicity lang.

Ito ang inihayag ng Malacanang sa harap ng bintang na katiwalian ni Pangulong Duterte kay Chief Justice Sereno na naunang pinahulaanan nito sa kanyang talumpati.

Sinabi kahapon ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, abugado si Pangulong Duterte at hindi ito magbibitiw ng mga ganitong pahayag kung wala siyang ebidensiya.

Ilalabas aniya ng Presidente ang mga ebidensiya nito laban kay Sereno kung hinihingi ng panahon at pagkakataon.
May karapatan aniya si Pangulong Duterte na maglabas ng kanyang opinyon hinggil sa kanyang nalalaman laban sa punong mahistrado.

” He’s a lawyer. He knows he must speak out of substantial evidence. He’s simply stating his opinion about the matter. So it’s not trying to create trial by publicity. If that is the result, people are interested, yes.He’s a lawyer, he should do that,” ang pahayag ni Abella.

Inaakusahan ng Pangulo si Chief Justice Sereno na mayroong itinatago dahil hindi nito isinama sa kanyang statement of Assets Liabilities and Networth o saln ang kinita umano nito sa Philippine International Air terminals Co. o PIATCO.(Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?