512
Banat ni Duterte kay Roxas: Talunan, walang prinsipyo!
Mar 24, 2019 @ 21:46
By

Banat ni Duterte kay Roxas: Talunan, walang prinsipyo!

Nagtataka umano si Pangulong Rodrigo Duterte kung bakit ang isang ‘talunan at walang prinsipyong’ tulad ni senatorial bet Mar Roxas ay nais pa ring magkaroon ng public position sa kabila ng pagkatalo nang dalawang magkasunod na taon sa nagdaang anim na taon at sa pagkakaroon ng pwesto sa Gabinete sa loob ng tatlong administrasyon.

“Kaya nga natatalo nga eh. Kaya natatalo kasi — eh kung meron pa… Alam naman pala ninyo na walang kalidad ito? Natalo nga eh,” saad ni Duterte sa kaniyang talumpati sa Marikina.

Matatandaang natalo si Roxas noon kay dating Makati Mayor Jojo sa vice presidential race noong 2010 at natalo naman ito kay Duterte noong 2016 presidential race.

Sa dalawang naturang eleksyon, nanalo ang running mate ni Roxas: Si Noynoy Aquino bilang presidente noong 2010 at si Leni Robredo bilang vice president noong 2016.

Banat pa ni Duterte, maliit lamang ang respeto niya sa mga taong walang prinsipyo at loyalty katulad umano ni Roxas.

“Kaya sabi ko ‘yung prinsipyo. You do not change a party for your convenience. Sabi ko when I joined politics, the party that I am with now, iyong partido ko 1988 will be my party when I get out of politics and that was in 1988,” saad ni Duterte.

“Itong buang na ito nagtrabaho kay — nagtrabaho kay Arroyo, Department of Trade. Tapos nanalo si Aquino, doon naman siya. Naging Trade tapos naging DOTC (Department of Transportation and Communication) then eventually naging DILG (Department of Interior and Local Government),” aniya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?