1,264

Nov 20, 2021 @ 15:24
By

Banat ni Duterte kay Marcos Jr. scripted – analyst

Kahina-hinala para sa isang analyst ang pagbira ni Pangulong Rodrigo Duterte kay presidentiable Ferdinand Marcos Jr., na ka-tandem ng kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

Sa panayam sa The Chiefs, sinabi ni De La Salle University political scientist Prof. Antonio Contreras, na baka bahagi ito ng script o plano.

“Kasi six months ago, meron nang nagbubulong-bulong sa akin na ang lalabas ay talagang BBM-Sara. In fact, I remember in a program, I think it was in another channel, I was asked. At that time, naririnig-rinig ko na and I summoned my gut feel and sabi ko, ‘Malamang Bongbong-Sara yan.’

“And I think because those talks are coming out then, maybe, I’m going to sort of… look at it at a different narrative that maybe this is part of an entire script,” ani Contreras.

“Kasi someone once told me na Pres. Duterte looks at politics as like a game of chess. Pagmo-move ng mga piyesa, na-anticipate niya mga moves. So something na naiisip ko, ito bang away nila is something that is real or staged?” dagdag niya.

Patuloy pa niya, “Well apparently, siguro, ang battle plan nila ay to protect BBM-Sara by coming out with this slime.

“Ano bang unang binanat ni Presidente kay Bongbong? Komunista siya. Eh ang layo naman, Diyos ko. Sabi ko nga kung komunista si [BBM] may buhok na ako. Ang layo-layo. With that, pine-preempt mo na yung truth na yung mga susunod mong sasabihin hindi na puwedeng paniwalaan ng tao kasi nagsinungaling ka na sa una.

“So I think they’re inoculating and vaccinating that tandem… and mabuti na sigurong Duterte ang umaaway sa kanila, si Duterte kaysa mga pink, di ba?”

Sabi pa ni Contreras, mas malaking risk ito para kay Mayor Sara at hindi kay Marcos Jr.

“The risk is for Sara kasi baka gantihan siya ng mga loyalist. Pero nababasa ko rin kasi sa narrative na there is deep effort to protect Sara as well, to differentiate Sara from the father. Maybe that’s why the… script is … mag-away sila, ‘yung mag-ama,” wika niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?