By

Banat na ‘ insensitive’ ni Hontiveros, sinupalpal ng Palasyo

Sharing is caring!

Mistulang nilektyuran ng Malacañang si Senadora Risa Hontiveros dahil sa pagpuna at tawaging “insensitive” ang pagdalo ni Chinese Ambassador Zhao Jianjua sa Independence Day celebration sa Kawit, Cavite.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, wala siyang nakikitang “insensitive” sa naging aksiyon ng Chinese ambassador dahil imbitado ito sa okasyon.

Binigyang-diin ni Roque na karaniwang iniimbitahan ang diplomats sa mga ganitong mahahalagang okasyon ng bansa.

Katunayan aniya ay naging tradisyon ang pag-imbita ng Malacañang sa diplomatic community tuwing bagong taon para sa Vin d’ Honneour at Independence Day.

“Ambassador Zhao was invited. Nothing insensitive there when diplomats are normally invited to flag raising ceremony during Independence Day,” ani Roque.

Mainit ang oposisyon sa China dahil sa ulat ng panibagong insidente ng pangha-harass umano ng Chinese coast guard sa ilang mangingisdang Pinoy sa paligid ng Scarborough Shoal at kinuha ang kanilang mga nahuling isda kapalit ang noodles, sigarilyo at tubig.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?