290

May 3, 2021 @ 16:49
By

Banas sa play-in tournament! LeBron may gustong ipasibak sa NBA

Matapos ang 114-121 pagkabigo ng Los Angeles Lakers sa kamay ng Toronto Raptors nitong Lunes, Mayo 3 (Philippine Time), tila hindi nagugustuhan ni NBA superstar LeBron James ang maaaring kahinatnan ng kanyang koponan sakaling magpatuloy ang kanilang pagbagsak sa standings.

Sa kanilang kasalukuyang kartada na 36-28, ang Lakers ngayon ay tabla kasama ang Dallas Mavericks at Portland Trail Blazers para sa 5th, 6th at 7th spots sa siksikang Western Conference.

Isa lamang ang sigurado para sa tatlong koponan – isa sa kanila ang babagsak sa ika-pitong pwesto at sasabak sa play-in tournament.

Ang naturang ideya kung saan paglalabanan ang huling playoff spot sa bawat kumperensya ay sinimulan noong nakaraan taon kung saan nagharap ang Blazers at ang Memphis Grizzlies para sa huling pwesto sa playoffs.

Ngayong season, ang 7th hanggang 10th seeded teams sa bawat kumperensya ang magbabakbakan para sa huling dalawang playoff spots.

Hindi tinago ng four-time MVP ang kanyang saloobin tungkol sa naturang play-in games.

“Whoever came up with that s— needs to be fired,” ani James.

“That’s wack, You’ve got to earn your spot to be in the postseason. No consolation for finishing last. That’s corny,” dagdag pa ng 36 anyos na forward.

Mayroon na lamang walong laro sa regular season ang Lakers, kung saan ilan sa makakaharap nila ay ang mga bigating teams gaya ng Denver Nuggets, Los Angeles Clippers, Blazers at ang league-leading Phoenix Suns.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?