Gumaganda ang laro ng Charlotte Hornets sa pagdating ng kanilang prized rookie na si LaMelo Ball.
Ngunit mukhang hindi lahat ng kanyang kakampi ay natutuwa sa magandang pinapakita ng naturang bagito sa NBA.
Sa laban ng Hornets kontra New Orleans Pelicans, makikita sa dulo ng laban na noong subukang mag-apir ni Ball sa kanyang teammate na si Bismack Biyombo, bigla na lamang siya nitong tinulak.
Ito’y kahit pa wagi ang Hornets sa naturang laro, 118-110.
That boy lamelo just wanna dap from bismac biyombo 😭😭😭💀💀💀💀💀: pic.twitter.com/lARPIljmQL
— YT: Taytalktome 📲 (@talktometay) January 9, 2021
Tingin ng mga NBA fan, nagalit si Biyombo dahil sa pagpasa ni Ball ng bola habang papaubos na ang shot clock, na mukhang hinahabol ang triple-double.
Sa nasabing laban, tumapos si Ball tangan ang 12 points, 10 rebounds at nine assists, isa na lang ang kulang para sa pambihirang stat line.
Nakamit naman ni Ball ang kanyang unang triple-double (22 points, 12 rebounds, 11 assists) sa sumunod nilang laro kinabukasan kontra Atlanta Hawks, at naging pinakabatang manlalaro na nakapagtala ng triple-double performance.