21

By

Banana plantation inatake ng NPA: 6 sekyu sugatan

Sharing is caring!

Anim ang sugatan sa ginawang pagpapasabog ng mga miyembro ng New People’s Army (NPA) sa isang plantasyon ng saging sa Barangay Dallag, Arakan, North Cotabato, Huwebes ng gabi.

Ayon sa ulat, hinagisan ng dalawang granada ng NPA ang plantasyon at pinaulanan pa ng bala ang compound pero ‘di gumanti ng putok ang mga guwardiyang nakabantay dito.

Dahil sa nangyari sugatan ang anim na guwardiya ng plantasyon na nakilalang sina Jerry Cansico, Ramar Embay, Naseran Embana, Joel Algocoy, Nelson Ampugo at Christoval Felix, pawang nakatalaga sa Lapanday Banana Group of Companies sa Brgy. Dallag.

Umatras umano ang NPA nang matunugan nila ang paparating na tropa ng militar at pulisya.

30-kilometro ang layo ng plantasyon mula sa Barangay Poblacion ng Arakan at dahil sa kalayuan, hirap na makakuha ng mga testigo ang awtoridad hinggil sa insidente.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?