26

By

Ban sa deployment ng OFWs sa Kuwait, dapat manatili – Chiz

Sharing is caring!

Ban sa deployment ng OFWs dapat manatili hanggang wala silang proteksyon mula sa Kuwaiti Gov’t – Escudero

Dumagdag si Senador Chiz Escudero sa mga nagpahayag ng suporta sa pagpapatigil ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagpapadala ng mga Filipinong household worker sa Kuwait.

Idiniin na alang-alang ito sa kapakanan ng mga Filipinong manggagawa na bukas sa pag-abuso roon.

Ayon kay Escudero, hindi dapat magpadala roon ng mga Filipino hanggang hindi nagbababa ang pamahalaan ng Kuwait ng polisya na gagarantiya sa kanilang kaligtasan at paggalang sa kanilang mga karapatan.

“I support the ban until and unless the Kuwaiti Government changes its policy from tolerating the abuses of its nationals to equally protecting the rights and well-being and safety of every human being and making sure that whoever violates those rights will be held accountable, whether its their national or not,” ani Escudero.

Kailangan din umanong makasiguro muna ng pamaalaang Pilipinas na pananagutin ng pamahalaan ng Kuwait ang sinumang aabuso sa mga Filipinong manggagawa, Kuwaiti man o iba pang dayuhan sa kanilang bansa.

Una nang idineklara ni Duterte na mananatili ang permanenteng labor deployment ban sa Kuwait.

Kasunod iyon ng pagkakaudlot ng pirmahan ng memorandum of understanding kung saan ilalatag sana ang mga patakaran para hindi maabuso ang mga Filipino sa Kuwait.

Naudlot naman ito dahil sa rescue mission ng Philippine Embassy kung saan sinundo ang mga distressed OFW sa Kuwait nang walang koordinasyon sa kanilang pulisya at ipinakalat pa ang video nito sa social media.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?