85

Oct 13, 2017 @ 17:54

Bam: Tuloy ang laban ni Leni para sa bayan

Kumpiyansa si Senador Paolo Benigno “Bam” Aquino na gagamiting inspirasyon ni Vice President Leni Robredo ang resulta ng Social Weather Staion (SWS) Survey para sa patuloy na pakikipaglaban para sa bayan.

“Tuloy lang ang trabaho para sa bayan. Tuloy ang laban,” payo ni Aquino kay Robredo.

Sinabi ng senador na ang mataas na satisfaction ratings ng Bise Presidente ay dahil sa kanyang pagsisikap na maiangat ang kabuhayan ng mahihirap.

“Nakikita ng taumbayan na tuloy-tuloy pa rin ang trabaho ng ating bise presidente sa kabila ng napakaraming hamon,” dagdag ni Aquino.

Sa survey ng SWS mula Septembere 23 hanggang 27, tumaas sa 41% ang net satisfaction rating ni Robredo.

Una nang sinuportahan ng Senado ang tanggapan ng Bise Presidente makaraang aprubahan ang dagdag na P20 million na budget para sa Angat Buhay Program nito.

Ayon kay Robredo, ang kanyang anti-poverty program ay nakatutok sa food security and nutrition, housing, rural development, women empowerment, universal health care at education. (Dang Samson-Garcia)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?