bam-aquino3
By

Bam sa pagsipa kay Sereno: Talo na naman ang taumbayan!

Sharing is caring!

Labis ang pagkadismaya ni Senador Bam Aquino sa ginawang pagpabor ng Korte Suprema sa quo warranto petition na inihain ni Solicitor General Jose Calida laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

“Talo na naman ang taumbayan. Ano pa ang laban ng karaniwang Pilipino kung ang Chief Justice ay kayang tanggalin nang basta-basta at hindi batay sa tamang proseso?” reaksiyon ni Aquino.

Binigyang-diin ng senador na ang impeachment trial ang tamang proseso o paraan para matanggal si Sereno sa puwesto.

“Patuloy akong naninindigan na ang tamang proseso sa pagtanggal ng isang impeachable official ay sa pamamagitan ng impeachment court sa Senado,” saad ng senador.

Sa botong 8-6, kinatigan ng hurado ng Korte Suprema ang petisyon para sa pagpapatalsik kay Sereno.

“Binalewala ang prosesong nakasaad sa Saligang Batas. Natanggalan ang publiko ng karapatang malaman ang totoo at suriin ang kaso,” wika pa ni Aquino.

“Tila ang may kapangyarihan na lang ang magdidikta ng hustisya.Talo na naman ang mga Pilipinong walang kalaban-laban,” sambit pa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?