379
Bam naniniwalang may himala para sa mga pambato ng Otso Diretso
Apr 30, 2019 @ 20:31
By

Bam naniniwalang may himala para sa mga pambato ng Otso Diretso

Nananatiling mataas ang pag-asa ng mga pambato ng Otso Diretso na magiging matagumpay sila sa darating na May elections.

Umaasa si Senador Bam Aquino sa “miracle” para makapasok sila sa Magic 12 sa senatorial poll.

“Ngayong Mayo po naghahanap tayo ng mirakulo at ako sa puso ko, nandiyan pa rin ang paniniwala,” saad ni Aquino.

Sa pinakabagong resulta ng Pulse Asia survey na isinagawa ng Abril 10-14, 2019 nationwide, tanging si Aquino lang ang nakalusot sa tinatawag na Magic 12.

Statistically tied sina Aquino at dating senador Jinggoy Estrada sa 10th hanggang 14th places sa nakuhang 28.8%.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?