106

Mar 29, 2019 @ 14:17
By

Bam, nagpasalamat sa pagkilala ni Duterte sa pagsisikap niya sa libreng kolehiyo

Sa pambihirang pagkakataon, pinasalamatan ni opposition reelectionist Senador Bam Aquino si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito’y matapos kilalanin ni Digong ang pagsusumikap ni Bam para maging ganap na batas ang free college law.

Sa isang pahayag, sinabi pa ni Bam na bukas itong makipagtulungan sa Pangulo sa anumang pagkakataon lalo na aniya kung makatutulong ang usapin sa mahihirap na taumbayan.

“Salamat at kinilala ni Presidente ang tinrabaho natin para maisabatas ang libreng kolehiyo,” ayon kay Bam.

“Basta para sa taumbayan lalo na kung makakatulong sa mahihirap, handa tayong makipagtulungan tulad dito sa batas ng libreng kolehiyo,” saad pa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?