151

May 7, 2019 @ 19:46
By

Bam nag-celebrate ng birthday kasama ang mga batang ‘kriminal’

Binisita ni reelectionist Sen. Bam Aquino ang may 80 children in conflict with the Law (CICL) sa Cebu City Operation Second Chance Center noong Mayo 7.

Ipinagdiwang niya ang ika-42 niyang kaarawan sa youth care facility sa Barangay Kalunasan.

Aniya, naisip niyang maglaan ng oras sa mga kabataan na may problema sa justice system.

Hangad umano niya na makahanap ng bagong buhay at magkaroon ng bagong tsansa sa buhay ang mga naturang kabataan.

“Nakita ko po na marami sa kanila, kahit ba may mga nagawang hindi maganda ay kaya naman pong i-rehabilitate,” ani Aquino.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?