1,079
bam-aquino
By

Bam: Hindi kailangan ng bansa ng diktador tulad ni Duterte

Sharing is caring!

Tinuligsa ni Senador Bam Aquino ang pag-amin ni Pangulong Duterte na diktador ang estilo ng kaniyang pamumuno sa bansa.

Mariing sinabi ni Aquino, kasapi ng Liberal Party, na hindi diktador ang kailangan ng bansa.

“Hindi kailangan ng Pilipino ang isang diktador,” ani Aquino.

Ipinaalala nito na sa diktadurya ni dating Pangulong Ferdinand Marcos, lumaganap ang karahasan at pagpatay, kawalan ng trabaho at kalayaan, korupsyon at napakalaking pagkakautang.

Una rito, sinabi ni Duterte na talagang diktador siya dahil walang mangyayari sa bansa kung hindi siya magiging matigas.

“Lumaban ang bayan noong People Power dahil hindi dictatorial style ang dudulot ng sapat na kita para sa bilihin, kalidad na edukasyon, at kaligtasan ng pamilya na inaasam-asam ng mga Pilipino,” sabi ni Aquino.

Mariin nitong sinabi na nag kailangan ng bansa ay pinuno na may kakayahan at tunay na malasakit sa buong bayan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?