221

Mar 2, 2019 @ 10:47
By

Bam Aquino pinasalamatan, pinuri ang mga engineer

Saludo umano si re-electionist Senator Bam Aquino sa mga inhinyero sa bansa dahil ang mga ito ang lumilikha ng pundasyon ng pagbabago para sa mas magandang kinabukasan sa Pilipinas.

Saad ni Aquino, sa kabila ng lahat ng problema ng bansa tulad ng kahirapan, gutom, tapiko, internet, at sistema ng pampublikong transportasyon, ang mga engineer ay may kakahayang magbigay ng tangible solutions.

“You are passionate problem solvers. The main role of chemical engineers is to design and trouble shoot, and improve processes,” saad ni Aquino sa naganap na 80th National Convention of the Philippine Institute of Chemical Engineers.

Dagdag pa ni Aquino, sa kabila ng madidilim na pagkakataon, nariyan ang mga engineer, scientists, at mga innovator upang magbigay ng pag-asa sa bansa.

Pinuri din ni Aquino ang mga Pinoy engineer sa pagiging critical thinkers ng mga ito na ibinabase umano ang kanilang paniniwala sa facts at evidences.

“Your efforts to remain unbiased and evidence- based, your ability to keep an open mind and be guided by facts is one of the reasons we love our Filipino engineers.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?