79
Bam Aquino na-alarma sa pagpasok ng Chinese dredging vessel sa Batangas
Apr 7, 2019 @ 18:59
By

Bam Aquino na-alarma sa pagpasok ng Chinese dredging vessel sa Batangas

Plano ni re-electionist Senator Bam Aquino na maghain ng resolusyon upang maimbestigahan ang pagpasok ng isang African-flagged dredging ship na may mga Chinese crew sa Lobo Rover sa Batangas.

Ayon kay Aquino, ang presensya ng dredging ship ay nakaka-alarma at malinaw na uri ng panghihimasok sa teritoryo ng bansa.

“Nakakaalarma ang insidenteng ito dahil malinaw na ito’y panghihimasok na sa karagatang sakop ng Pilipinas,” saad ni Aquino.

Inihalintulad ni Aquino ang vessel sa “Trojan horse” na nagpapanggap umanong gumagawa ng normal na operasyon para sa siltation removal ngunit ang tunay na layunin at ang mag extract ng buhangin mula sa katubigan ng bansa.

“Inagaw na nga nila ang mga isla natin, pati ba naman buhangin, gusto pa nilang angkinin?” dagdag pa ni Aquino.

Hinikayat ng senador ang mga awtoridad na mas maging proactive sa pagprotekta sa area na kilala sa global scientific community bilang Verde Island Passage at kinokonsiderang sentro ng marine shore biodiversity sa mundo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?