372
Bam Aquino, Chel Diokno, 7 iba pa inendorso ng Makabayan
Mar 3, 2019 @ 14:47
By

Bam Aquino, Chel Diokno, 7 iba pa inendorso ng Makabayan

Pormal na inendorso ng Makabayan coalition nitong Linggo, Marso 3 ang 9 na senatorial aspirants para sa magaganap na midterm elections sa darating na Mayo.

Bukod sa lone senatorial bet nito na si Neri Colmenares, inendorso rin ng Makabayan coalition ang 5 senatorial bets mula sa opposition slate na sina Chel Diokno, Erin Tañada, Senator Bam Aquino, Samira Gutoc at Florin Hilbay.

Suportado rin umano ng Makabayan ang kandidatura nina Senator Grace Poe, Senator Nancy Binay, at ni Serge Osmeña.

“In these times of escalating efforts to stifle dissent and a rising threat of dictatorship, where impunity reigns and the system of checks and balances among the executive, judiciary and legislative branches of government is in peril, we need an independent Senate,” saad ng coalition.

Dagdag pa ng coalition, ang 9 na senate aspirants na inendorso umano nito ay makatutulong sa pagsupil ng probisyon sa excise tax sa tax reform law, paglaban sa charter change, at pagpromote ng human rights at due process para sa lahat at sa pagpapatuloy ng peace talks sa pagitan ng gobyerno ng bansa at ng National Democratic Front of the Philippines.

“We hope that through this endorsement, Makabayan can contribute to the formation of a coalition of independent and opposition candidates that can provide our people the best hope for an independent and pro-people Senate,” dagdag pa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?