3,216

Aug 1, 2019 @ 20:51
By

Bam Aquino, Alejano nagbayad ng P20K-P40K para siraan ang mga pambato ni Duterte– anti-Digong blogger

Inakusahan ng isang nahuling extortionist sina Senador Bam Aquino at Magdalo Rep. Gary Alejano na nagbabayad umano ng tao para siraan ang mga sinuportahang kandidato ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Dennis Borbon, binigyan umano siya ng chief of staff ni Ban ng nasa P20K hanggang P40K kada buwan para siraan online ang mga kandidato sa ilalim ni Duterte.

“N’ung election, lumapit sa akin ‘yung chief of staff ni Bam Aquino at pinapatira yung mga kandidato ng administrasyon noong nakaraang eleksyon… Nagde-deposito sila ng 20k to 40k. Iba pa nga po yung galing kay Congressman Gary Alejano,” ayon kay Borbon.

“‘Yung mga alegasyon pong sinasabi ni Senator Christopher Lawrence Bong Go, totoo po ‘yun hindi ko naman po kinakaila ‘yun…” aniya pa.

Matatandaan na sinabi dati ng ngayong Senador Bong Go na may black propaganda umanong niluto si Aquino kontra sa mga pambato ng PDP-Laban.

“Mas naging interesado ako dahil mas malalim pala ang taong ito. Inutusan din pala siya noong nakaraang eleksyon para siraan kami,” ayon kay Go sa press conference ng PNP.

“Ngayon, tinatanong ko si Bam Aquino… anong ginagawa ng chief-of-staff mo? Nagdedeposito ng pera sa account niya para siraan kami. May karapatan kang sumagot…” aniya pa.

Dinenay naman nila Aquino at Alejano ang alegasyon ni Borbon.

“Kulang sa pansin itong si Borbon at malinaw na iniiba ang kwento para makalimutan ang mga krimeng nagawa nya,” ayon kay Aquino.

“I will never resort to smear campaign whatsoever and my team knows that as a general rule,” lahad naman ni Alejano.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?