117
Balyena nakunan dahil sa plastik
By

Balyena nakunan dahil sa plastik

Isang buntis na sperm whale ang natagpuang patay sa isang isla sa Italy kung saan nakuha sa kanyang tiyan ang nasa 50 pounds ng plastic.

Nakita ng resort worker ang balyena noong nakaraang linggo sa Sardinia, ayon sa report ng Telegraph.

Nang buksan ang balyena tumambad sa mga researcher ang 49 pounds ng plastic plates, trash bags, tarps at marami pang ibang uri ng plastic.

Nakita rin na buntis ang 26-talampakang haba ng balyena pero patay ang fetus dahil naging malnourished sanhi ng mga plastic sa loob ng tiyan ng kanyang ina.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?