183

Dec 22, 2017 @ 18:25
By

Balutan hindi papailalim kay Sandra Cam: Mag-resign na lang ako!

Magre-resign na lang umano sa puwesto si Philippine Charity Sweepstakes Office General Manager Alex Balutan sakaling maging chairperson ng ahensiya ang dating jueteng whistleblower na si Sandra Cam.

Sa panayam sa radyo kay Balutan, sinabi nito na matagal nang pinapangarap ni Camna pamunuan ang ahensiya.

Himutok ni Balutan nag-a-apply pa lang si Cam sa PCSO ay sinasabi na nito na lilinisin niya ang aming ahensiya.

“Sinisira niya ang ahensiya before the President,” ayon kay Balutan sabay dagdag, “ Eh sasakit naman ang loob ko kung siya magiging chairman eh better mag-resign na lang ako.”

Hindi na rin itinanggi nito ang labis na pagkadismaya sa mga paninira ni Cam sa PCSO.

Una nang pinuna ni Cam ang ginasta na P10 milyon para sa Christmas party ng PCSO sa EDSA Shangri-La Hotel.

Paglilinaw naman ni Balutan, P6 milyon lang ang ginasta sabay giit na tipid pang maituturing ang party kumpara sa mga nakalipas na administrasyon. ( Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?