27

Sep 15, 2021 @ 13:34
By

Balut vendor ginapang sarili, engineer na!

Kahit kahirapan sa buhay ay hindi napigilan ang isang tindero ng balut mula sa kanyang pangarap na maging inhinyero.

Kwento ni Engineer Benny Tomas mula Cagayan, sulit ang pagod niya sa paglalako ng balut ngayong isa na siyang lisensyadong sanitary engineer.

“Worth it po ‘yung hirap at tiyaga na ginawa ko po. Buti na lang hindi ako sumuko,” ani Tomas sa panayam ng CNN Philippines.

“Masaya at fulfilling po kasi nakapagtapos na ako ng kolehiyo at licensed engineer na po ako. Thankful ako sa Diyos sa ginawa niya sa akin,” pagpapatuloy pa niya.

Dagdag pa ni Tomas, pinasok na rin niya ang pagbebenta ng balut hindi lang dahil sa kagustuhan niyang igapang ang sarili niya kundi pati na rin makatulong aniya sa kanyang pamilya.

“Kapag breaktime po namin sa school sa tanghali, bibili ako ng panindang balut. After ng klase, mga 5pm, magluluto na po ako. Isang oras ko pong niluluto ang balut, and kapag 6pm, umpisa na po ako maglibot para ibenta ang balut hanggang 8pm po,” paghahayag niya.

Pagbabahagi pa niya, kumikita siya ng P400 bawat benta kada araw.

Ayon sa ulat, nagtapos ang binata sa University of Northern Philippines.

Kaugnay nito, pinayuhan ni Tomas ang mga estudyanteng may mga pangarap rin ngunit hirap sa buhay na magsipag at magtiyaga lang.

“Magsipag at magtiyaga dahil bibigyan ka ng provision ni Lord kung anong diskarte ang nababagay para sa’yo para makapagaral. Magtiwala ka lang sa kanya,” ani Tomas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?